” Addicted to you “

CHAPTER 1

Sampaguita! sampaguita! ” sabi ko sa mga taong nadadaanan ko.

Kanina pa ako dito sigaw ng sigaw para lang may bumili ng bininta kung sampaguita. Nandito ako ngayon sa Mabuhay Park at iniinda ang init ng araw para lang may makain kami ni inay mamayang gabi. Ako lang at si inay ang magkasangga sa buhay dahil wala na si itay at ako lang ang nag-iisa nilang anak. Mahirap mabuhay sa mundo na walang haligi ng tahanan dahil wala kang aasahan at walang bubuhay sa pamilya niyo. Di narin makatrabaho si inay dahil may sakit siya kaya ito ako ngayon, nagtitinda ng sampaguita para may makain kami at may pambili ng gamot si inay. Mahirap mn pero kakayanin para kay inay at para din namn sakin na kailangan magsikap para mabuhay.

” Sampaguita! Sampaguita! ” sigaw ko ulit sa mga taong dumadaan sa akin.

” Ening ilan yang sampaguita mo ” sabi sakin ng matanda.

” 5 peso lang po La ” sabi ko sa matanda na may paggalang.

” Ah, pabili nga ening ng limang sampaguita ” sabi sakin ng matanda.

” Ito po La limang sampaguita” balik ko sa matanda.

Agad siyang nagbigay sakin ng isang daan. Ibibigay ko na sana ang sukli niya na pitompu”t lima pero di niya tinangggap.

” Wag na ening, sayo na yang sukli ko, alam ko na kanina kapa dito palakad- lakad para lang may bumili ng sampaguita” sabi sakin ng matanda.

” La, maraming salamat po malaking tulong po to sakin at sa inay ko” naiiyak na saad ko kay lola.

” Okay lang ening at ito address ng tirahan ko pag need mo ng tulong sakin, wag kang mahiyang kumatok sa bahay ko at ilang taon ka na ba ening?” tanong ng matanda sakin.

“16 po La ” sagot ko sa matanda.

” Ah, magka-edad lang pala kayo ng apo ko ” malungkot na saad niya sakin.

“Ahmm bakit po La, ano po bang nang yari sa apo niyo? ” nahihiyang tanong ko kay lola.

” Ah naa-adik kasi sa paglalaro ng mobile legends kaya yon, ayaw ng lumabas ng kwarto niya , di narin kumakain” malungkot na saad sakin ni lola.

At napansin korin na naiinitan na si lola kaya naghanap ako ng pwede masilungan.

” Ah la mukhang naiinitan napo kayo, dun po tayo” turo ko sa maliit na bahay na pwede naming masilungan.

” Ah sige” sang-ayon niya sakin.

Inalayan ko siya sa paglalakad hanggang makarating kami sa maliit na bahay at itinuloy niya ang sinasabi niya kanina.

” Napapabayaan narin niya ang pag-aaral niya at ayaw na niyang makipag- kaibigan sa mga ka-edad niya ” sabi sakin ni lola.

” Naghahanap kami na ka-edad niya na pwedeng maging kaibigan niya at pwedeng mag-alaga sa kanya para nman maibsan yang pagiging adik niya sa paglalaro ng mobile legends ” dagdag ni lola sakin.

” Ahmmm sa di nmn nanghihimasok la, okay lang bang itanong kung nasan ang mga magulang niya? ” tanong ko kay lola.

Sa mga kwento niya sakin di kasi niya nabanggit ang mga magulang ng bata na pwedeng mag-alaga dito.

” Ah, walang oras sa apo ko dahil palaging focus sa trabaho ” sagot sakin ni lola.

Maya-maya pa ay may humintong kulay itim na sasakyan samin.

” Ah sige ening, ako’y uuwi na samin dahil nandito na ang driver namin” sabi sakin ni lola.

“Sige po La salamat” balik ko sakanya.

” Kung need mo ng tulong kumatok kalang sa address na ibinigay ko sayo ” sabi sakin ni lola bago sila umalis.

‘ Diko pala naitanong kay lola kung ano ang pangalan niya, ah sa susunod nlang kung magkita kami itatanong ko ang pangalan niya ‘ saad ko sa aking isipan.

Patuloy parin akong nagtinda ng sampaguita dito sa Mabuhay park hanggang abutin ako ng dapit-hapon at mabuti namang marami-rami ang aking naitinda kanina. Papunta na ako ngayon kila Aling Pasing para ibigay sa kanya ang pera at mga natirang sampaguita kanina.
Di kasi sakin ang mga ibinenta kung sampaguita kundi sakanya at utos lang niya sakin na ibenta ito at diko tinanggihan dahil need ko ng pera ngayon dahil bibigyan din namn niya ako ng pera pagkatapos kung ibenta ang mga sampaguita niya.

Malapit na ako sa bahay ni Aling Pasing at di niya ako napansin at nakita ko siya nakatayo sa kanilang pinto at parang may hinahanap at bakas sa mukha niya na parang maiiyak na at may pag-alala. Kaya agad akong tumakbo sa kanya.

” Aling Pasing, bakit po ganyan ang mukha niyo na parang iiyak na. ” saad ko kay Aling Pasing.


A/n : first time ko pa pong gumawa ng story kaya please wag munang manghusa dahil di pa po ako marunong gumawa ng story. I’ll try my best to make it good to read and please don’t compare my story to others…


” Bella yong inay mo isinugod kanina sa hospital dahi—- ” diko na pinatapos si Aling Pasing sa pagsasalita dahil agad akong tumakbo sa hospitall

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started